"Dulo"
The Juans
Nakatingin na naman sa kawalan
Tinatago ang tunay na
nararamdaman
Hangggang kailan ko
'to kakayanin
Hanggang saan kita
uunawain
Pa'no ipaglalaban
ang pagmamahal
Kung sa pananatili
ay nasasakal
Nahihirapan na ating
mga damdamin
'Di malaman kung
pa'no aaminin
Naubos na ang luha
At mga salita
Siguro'y 'di sapat
Aking pagmamahal
Ito na ba ang hinihintay
Ang pagwawakas
ng paglalakbay
Lahat nama'y ibinigay
Ngunit baliwala lang
kaya paalam
Kailangan na yatang harapin
Na ito ay 'di para sa atin
Mahirap man na tanggapin
Hanggang dito lang tayo,
ito na ang dulo
(Ang dulo, ito na ang dulo)
Bibitawan at palalayain ka
Kasama ang pangako't alaala
Ngunit hindi kita pipilitin
Hahayaan ko na lang
ito 'yong mapansin
Naubos na ang luha
At mga salita
Siguro'y 'di sapat
Aking pagmamahal
Ito na ba ang hinihintay
Ang pagwawakas
ng paglalakbay
Lahat nama'y ibinigay
Ngunit baliwala lang
kaya paalam
Kailangan na yatang harapin
Na ito ay 'di para sa atin
Mahirap man na tanggapin
Hanggang dito lang tayo,
ito na ang dulo
Gusto mang kumapit,
mahirap ipilit ang
'di para sa atin
Hihintayin ko na
maramdaman mo,
ito na ang dulo
Ito na ba ang hinihintay
Ang pagwawakas ng
paglalakbay
Lahat nama'y ibinigay
Ngunit baliwala lang
kaya paalam
Kailangan na yatang harapin
Na ito ay 'di para sa atin
Mahirap man na tanggapin
Hanggang dito lang tayo,
ito na ang dulo, ang dulo
(ito na ang dulo)
Hanggang dito lang tayo,
ito na ang dulo
No comments:
Post a Comment